Good news sa Joshlia fans!
Muling magtatambal ang dating magkasintahan na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Isiniwalat ng aktres ang balita sa panayam kay Boy Abunda.
Ibinahagi rin ni Julia sa nasabing panayam na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang mag-girlfriend.
Paliwanag ng aktres, dapat munang enjoyin ng dating nobyo kung anong mayroon siya ngayon lalo’t bata pa ito at isang ‘brilliant’ actor.
Sinabi pa ni Julia na sa kabila ng kanilang break up ay nananatili silang magkaibigan ni Joshua.
Una na ring nagsama ang dalawa sa I Love You to the Stars and Back, Unexpectedly Yours, I Love You, Hater, at Block Z, at maging sa music video ng kantang ”paubaya” ni Moira Dela Torre noong February 2021.