Nagbigay ng reaksyon ang aktor na si Joshua Garcia sa no-girlfriend advice ng dati niyang nobya na si Julia Barretto.
Mababatid na pinayuhan ni Julia si Joshua na huwag munang mag-jowa dahil maaari itong maging sagabal sa gumagandang career nito.
Sa isang panayam, kinumpirma ng aktor na nagkakausap nga sila ni Julia.
Say ni Joshua, maraming nangyayari sa kanya ngayon at tila dumarating ng kusa ang trabaho sa kanya.
Hindi niya rin aniya sinasarado ang sarili sa pagkakaroon ng lovelife at hindi rin aniya kailangang magmadali sa pagkakaroon nito.
Sinabi pa ni Joshua na kahit hindi na sila ni Julia ay okay pa rin sila dahil lahat naman ng kanyang naging girfriend ay naging kaibigan niya.