(10AM Update)
Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Josie at kumikilos na patungong Taiwan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 585 kilometro hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 65 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-hilagang direksyon sa bilis na 20 kph.
Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang patuloy na kalat-kalat at malawakang pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoo, Palawan, at Western Visayas dahil sa habagat.
Habang paminsan-minsang mga pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.
Pinag-iingat pa rin ang mga residente sa mabababa at bulubunduking mga lugar laban sa posibleng mga pagbaha at landslide.
Samantala, isang panibagong sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA na nasa layong 1,495 kilometro silangan ng Central Luzon na posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras.—AR
—-