Ipinagkibit-balikat lang ng Malacañang ang umano’y journal ni retired SPO3 Arthur Lascañas na nagdedetalye sa mga aktibidad nito sa DDS o Davao Death Squad.
Sinasabing ito’y batay sa kumpas at utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong alkalde pa lamang ito ng Davao City.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, boladas lang ito ni Lascañas dahil kung totoo ang sinasabing journal ay sana inilabas na ito noon pa.
Aniya, hindi apektado ang palasyo, partikular si Pangulong Duterte dahil hindi kapani-paniwala ang mga bintang laban sa Presidente.
Samantala, inihayag ni Panelo na pinag-aaralan na ng Solicitor General ang posibleng isasampang kaso laban kay Sen. Antonio Trillanes bunsod ng pagkakanlong ng mga kriminal, partikular sina Edgar Matobato at Lascañas.
By: Jelbert Perdez / Aileen Taliping