Journalist na halos isang dekada nang hinahanap ang mga magulang, nadiskubreng friend pala niya sa facebook ang kaniyang tatay
Muling pinatunayan ng social media na hindi lamang nakakatanggal ng lungkot ang dulot nito, kundi nakatutulong din ito na mahanap ang mga taong nawawala, katulad na lamang ng kwento ng Georgian journalist na si Tamuna Museridze.
Kung paanong naging maganda ang takbo ng kanilang pagkikita, alamin.
Isang georgian journalist na si Tamuna Museridze ang halos isang dekada nang naghahanap sa kaniyang mga tunay na magulang.
Naudyok lang siya na gawin ito nang madiskubre ang isang birth certificate na nakapangalan sa kaniya ngunit iba ang nakatalang birth date matapos mamatay ang babaeng nagpalaki sa kaniya.
Kung kaya naman gumawa siya ng isang social media group na may pangalang “Vedzeb” na ang ibig sabihin ay “I’m searching,” upang hanapin ang kaniyang mga magulang dahil suspetsa niya …. Ay isa siyang ampon.
Habang hinahanap ang kaniyang mga magulang ay nadiskubre niya na libo-libong Georgians ang hindi kilala ang kanilang tunay na pamilya dahil maraming bagong silang na sanggol ang biktima ng trafficking sa black market.
Samantala, sa isang pambihirang pagkakataon, ganon na lamang ang gulat ni Tamuna nang malaman na ang kaniya palang ama ay matagal na niyang friend sa Facebook at tatlong taon nang nakasubaybay sa paghahanap niya sa kaniyang mga magulang.
Matapos nito ay nagkita ang dalawa sa hometown ng kaniyang ama at doon nakilala ni Tamuna ang iba pa niyang mga kamag-anak.
Habang sa tulong naman isang Polish media, nakilala ni Tamuna ang kaniyang tunay na ina at doon nadiskubre na hindi siya biktima ng trafficking dahil ang totoo pala ay ipinaampon siya ng kaniyang ina.
Sinabi ni Tamuna na inutusan siya ng kaniyang ina na sabihin sa mga tao na siya ay nakidnap na kaniya namang tinutulan, at matapos nito ay pinaalis siya ng kaniyang ina at hindi na sila muling nag-usap pa.
Ikaw, anong masasabi mo sa mala-pelikula na kwento na ito?