Hindi naitago ng Filipino rock singer at lead vocalist ng rock legend na Journey na si Arnel Pineda ang kanyang saya nang personal na makausap at makayakap ang orihinal na frontman ng banda na si Steve Perry.
Naganap ang “wish” ni Arnel sa rock and roll hall of fame ceremony sa Brooklyn, New York kung saan ininduct ang Journey pero hindi kasama sa induction ang Pinoy singer.
Aminado si Arnel na apat na dekada ang kanyang hinintay para lamang makaharap ang isa sa kanyang idolo at silent mentor.
Nagpasalamat ang dating “zoo frontman” kay Steve na kalauna’y pinuri si arnel dahil sa pagpapanatiling buhay sa mga musika ng Journey.
Sa kanyang acceptance speech, binigyang pagkilala ni Perry si Arnel Pineda na halos sampung taon ng bokalista ng grupo.
By Drew Nacino