Guilty ang naging hatol ng Malolos Regional Trial Court kay Retired General Jovito Palparan at dalawang iba kaugnay ng pagkawala ng dalawang UP students noong 2006.
Si Palparan kasama sina Lt. Col. Felipe Anotado at Staff Sgt. Edgardo Osorio ay hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan.
Inatasan ng korte ang tatlo na magbayad ng tig-P100,00 pisong civil indemnity at P200,000 para sa moral damages.
July 2011 pa nang simulang dinggin ng korte ang kaso laban kay Palparan na noong panahong yun ay nagtatago pa sa batas.
Nakulong lamang si Palparan nang mahuli ito noong 2014 sa Sta. Mesa Manila.
Samantala, napuno ng emosyon ang sala ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos Regional Trial Court Branch 15 matapos nyang hatulan ng guilty si Retired Major General Jovito Palparan at dalawang iba pa.
Tuwa ang makikita sa mga kaanak at taga-suporta nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan dahil sa nakamit nilang hustisya.
Samantala, habang binabasa ang sentensya ay sinigawan pa ni Palparan si Judge Tamayo ng …”duwag ka Judge, napakaduwag mo.”
Binalaan ni Judge Tamayo ng contempt si Palparan subalit sumagot pa ang dating heneral na makukulong rin naman sila sabay mura pa sa hukom.
Sa kanyang desisyon, ipinag-utos ni Judge tamayo na ilipat na sa New Bilibid Prison (NBP) si Palparan at dalawang kapwa akusado mula sa kanilang Custodial Center sa Fort Bonifacio.
Gayunman, umapela ang mga abogado ni Palparan na panatilihin mula sila sa Fort Bonifacio dahil may nakabinbin pa silang kaso sa Malolos RTC.
Sitwasyon sa labas ng Malolos RTC kung saan hinatulang guilty si Palparan at 2 pang kapwa akusado sa kasong kidnapping at serious illegal detention. | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/ZhJZX0Irl9
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 17, 2018
PANOORIN: Paglabas ni Retired Major General Palparan at 2 pang kapwa akusado sa Malolos RTC matapos na hatulang guilty sa kasong kidnapping at serious illegal detention | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/z6g0jBolls
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 17, 2018
(May Ulat mula kina Jaymark Dagala at Jill Resontoc)