Aminado ang comedic trio na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros o ‘Jo-Wa-Pao’ na marami pa silang kakaining bigas bago matawag na susunod na TVJ o ihalintulad kina Senator Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.
Ayon kay Wally, bagaman nakaka-flatter ang bansag sa kanilang fans na next TVJ malayo pa ang kanilang lalakbayin sa mundo ng showbiz partikular sa pagpapatawa.
Sa katunayan anya ay patuloy silang nag-aaral at natututo kina Tito, Vic and Joey lalo sa timing ng mga joke.
Inihayag naman ni jose masaya sila’t ka-trabaho nila sina Tito Sen, Vic at Joey pero hindi na anya mapapalitan at nakatatak na ang pangalan ng mga ito sa industriya.
Ayon kay Jose, hindi naman masasabing sumusunod sila sa yapak ng TVJ bagkus ay maaaring sabihin na pawang estudyante pa lamang silang tatlo sa larangan ng komedya.
Sumikat ang tatlo sa ‘KalyeSerye’ ng Eat Bulaga bilang lola Nidora, Tidora at Tinidora ni Maine Mendoza na gumanap bilang Yaya Dub na love interest naman ni Alden Richards.