Sumakay ng Manila Metro Rail Transit System Line-3 (MRT-3) si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko sa gitna ng kanyang pagbisita sa naturang rail line.
Sa mga larawang ibinahagi ng Transportation Department, sumakay si Kazuhiko sa bagong overhauled o ‘yung bagong ayos na train set ng maintenance service provider ng MRT-3 na Sumitomo.
Kabilang sa mga pagbabagong napansin ng opisyal, ay ang mas pinabilis na takbo ng mga tren sa bilis ng 60 kilometers per hour (kph), mas bumabang paghihintay sa pagdating ng mga tren na aabot lang ng 3-minuto hanggang 4-minuto ang pagitan.
At, ang mas pinaikling travel time mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue sa 45-minuto na dating higit 1-oras ang tagal.
Mababatid sa pagbisita ni Ambassador Kazuhiko, sinamahan ito ng ilang opisyal ng Transportation Department gaya ni Secretary Arthur Tugade at ilang kawani ng MRT-3.