Iniutos na ng Department of Justice o DOJ na isailalim sa karagdagang imbestigasyon si John Paul Solano, pangunahing suspek sa pagpatay kay Horacio Castillo III.
Ito’y para sa reklamong murder, perjury o false testimony in other cases at perjury in solemn affirmation, robbery at paglabag sa Republic Act 8049 o anti-hazing law.
Batay ito sa limang pahinang resolusyong isinulat ni Assistant Prosecutor Susan Villanueva at inaprubahan nina Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at acting Prosecutor General Jorge Catalan.
Nangangahulugan ito na makalalaya si Solano makaraang magpasya ang DOJ na huwag munang i-akyat ang reklamo sa korte sa halip ay magsagawa muna ng preliminary investigation.
Una ng kinumpirma ni Catalan na nagpalabas na ng release order ang kagawaran para sa paglaya ni Solano.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE