Dismayado si dating Senador Juan Ponce Enrile sa naging pagbasura ng Sandiganbayan sa bail petition ng kanyang dating Chief of Staff na si Atty. Gigi Reyes.
Ayon kay Enrile, inosente si Reyes sa mga kasong isinampa laban dito dahil batay lamang ito sa tinawag niyang mga fabricated evidence.
Kinuwestyon pa ni Enrile ang sistema ng hustisya ng bansa kung saan pinaniniwalaan ang mga saksi na nagpapabago bago ng testimonya habang nakakulong naman ang mga walang sala.
Dahil sa pangyayari ay tila nabalewala umano kanilang isinulong na rebolusyon noong 1986 para lamang tumino ang bansa.
Matatandaang kabilang si Reyes at Enrile sa mga kinasuhan kaugnay kontrobersiyal na pork barrel fund scam ngunit pinalaya na si Enrile dahil sa humanitarian reason.
—-