Magpapahinga ng hanggang 3 buwan ang point guard ng NBA defending champion Cleveland Cavaliers na si J.R. Smith.
Ito’y matapos maoperahan si Smith noong biyernes para sa kanyang nabaling hinlalaki sa Crystal Clinic Orthopedic Center sa Ohio.
Nakuha ni Smith ang nasabing thumb injury matapos na makipagbakbakan ang Cavs laban sa Milwaukee Bucks noong araw ng Miyerkules.
By Meann Tanbio