Naungusan ng Jose Rizal University (JRU) ang MAPUA University sa pamamagitan ng 67-64 overtime win.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng JRU sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) season 98 men’s basketball.
Sa unang quarter ng laro, napanatili ng JRU ang momentum ngunit dumausdos ng kaonti sa fourth quarter kung saan muntik nang makahabol ang MAPUA Cardinals.
Sa natitirang bahagi ng fourth quarter, pinangunahan ni Adrian Nocum ang laro para sa isang equalizer na 60-all, dahilan para mag-overtime ang laro.
Ngunit nakadepensang muli ang JRU, dahilan para maging 67-62 ang score sa natitirang 1 minute and 35 seconds ng laro.
Tinapos ni Nocum ang laro sa pamamagitan ng lay-up, na siyang huling puntos ng Mapua.
Naka-iskor Joshua Guiab ng JRU ng 17 points at 10 rebounds; bumanat naman si Marwin Dionisio ng 15 points at 5 rebounds; habang nag-ambag si Agen Miranda ng 13 points at 4 rebounds at 3 assists.
Samantala, pinamunuan naman ni Brian Lacap ang MAPUA Cardinals na umiskor ng 13 points at anim na boards.
Si Lacap lamang ang may double-digit score sa hanay ng Cardinals habang naka-iskor naman si Nocum ng 8 points. —sa panulat ni Hannah Oledan