Nakahanda ang Joint Task Force COVID-19 Shield, anuman ang maging desisyon ng pamahalaan sa estado ng quarantine sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield Commander, Lt. General Guillermo Eleazar, nagkakaiba-iba lamang naman ang lebel ng quarantine sa mga tao na papayagang makalabas ng bahay.
Ngayong araw na ito ang huling araw na nasa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa at inaasahang anumang oras ay ihahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte kung mas paluluwagin pa, mananatili sa GCQ o muling itataas sa MGCQ ang mga lugar na ito.
Dito sa GCQ may mga restrictions pa rin o merong mga ibang industries na hindi pa rin permitted to operate but basically based on the omnibus guideline ng IATF. Ang MGCQ generally lahat ay pwede nang lumabas kaya lang in reduce capacity yung ibang work force sa mga permitted establishments. Ang pagkakaiba lang nito during MGCQ, just like in GCQ ang ating mga kababayan na hindi bahagi ng work force ay hindi basta-bastang mag-travel outside of the province,” ani Eleazar. — panayam ng Ratsada Balita.