Hindi pa rin dapat magpaka-kampante ang publiko kahit nananatili sa mas maluwag ang quarantine protocols ang ipinatutupad ng pamahalaan sa mas malaking bahagi ng bansa.
Ito ang paalala ng Joint Task Force coronavirus disease 2019 (COVID-19) Shield kasunod ng pananatili ng Metro Manila at malaking bahagi ng bansa sa general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield Commander P/Ltg. Guillermo Eleazar, napapansin nilang tila bumabalik sa pre-pandemic normal ang mga pilipino kahit mayruon pa ring banta ng COVID-19 sa bansa.
Partikular na aniya rito ang hindi pagsusuot ng facemask at ang kawalan ng physical distancing partikular na sa mga komunidad.
Giit ni Eleazar, hindi nakikita ang kalaban lalo’t unti-unti pa itong kumakalat kaya’t dapat nang isapuso ng bawat Pilipino ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng sarili at kapwa upang hindi mahawaan ng nakamamatay na virus.