Nanawagan si Joint Task Force Covid Shield Police Lt. General Guillermo Eleazar sa publiko na masanay na sa pagkakaruon ng checkpoints at pagpapatupad ng curfew sa mga barangay sa gitna na rin nang patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Eleazar ang checkpoint at curfews ay bahagi ng new normal hanggat mayruon nang bakuna kontra nasabing virus.
Sinabi ni eleazar na ang mga hakbanging ito ay walang kinalaman sa pagkitil sa mga karapatan ng publiko kundi matiyak lamang ang proteksyon ng lahat mula sa COVID-19.
Ang mga ito aniya ay bahagi ng mga ipinatutupad na regulasyon para mapigil din ang mga hindi mahahalagang pag biyahe ng publiko.