Sinimulan na ng Joint Task Force Covid Shield ang paga-adjust sa security at health safety measures upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay JTF Covid Shield commander Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang hakbang ay ginawa nila kasabay ng unti-unting pag-angat ng economic activities para sa darating na Kapaskuhan.
Sinabi ni Eleazar na maliban sa random checkpoints, paiigtingin din ang police visibility sa iba’t ibang lugar kung saan maaaring samantalahin ng mga kriminal ang pagdagsa ng mga tao.
Nanawagan din si Eleazar sa mga mall at iba pang business establishments na makipag-coordinate sa mga awtoridad ukol sa mga gagawan nilang malalaking sale at promotional events upang masigurong nasusunod ang minimum health safety standard protocols.