Uuwi ka na lang ba at palalagpasin ang mga kaganapan kung biglaang bumuhos ang ulan habang nasa concert?
Ganyan ang nangyari sa isang katatapos lamang na concert sa Ormoc.
Kung ano ang nangyari, alamin natin.
Sa isang video na ngayon ay mayroon nang 8.5M views, makikita ang malakas na pagbuhos ng ulan na bumabagsak sa isang stage kung saan nagpe-perform ang singer na si Juan Karlos.
Pero the show must go on para sa singer! Pati ang mga manonood, tila hindi alintana ang ulan dahil karamihan sa kanila ay hindi na nag-abala pa na magpayong at para bang mas na-enjoy pa ang set ng singer dahil dito.
Maririnig sa video na kinakanta ni Juan Karlos ang hit song na ‘Ere’ na ni-release last year na agad na kinahumalingan ng mga tao dahil isa itong heartbreak song at marami ang nakakarelate.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 3M views ang official music video nito at mahigit 54 views naman sa official live performance.
Ginanap ang performance na ito sa culminating concert noong October 20 na kabilang sa maraming activities ng ika-77 Adlaw sa Ormoc na nagsimula noong September 28 at magtatapos sa November 8.
Ikaw, susulitin mo rin ba ang ganitong pagkakataon, umulan man o bumagyo?