Wala ng rason upang magkaroon ng ika-limang laban sina 8 Division World Champion Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Ito ang nilinaw ni Marquez sa gitna ng balitang pursigido ang ilang television network na mag-invest ng hanggang 60 Million Dollars upang matuloy ang rematch nila ni Pacman sa Pilipinas.
Ayon kay El Dinamita, hindi na siya interesadong sagupain si Pacquiao na kanyang tinalo via knockout noong 2012.
Kahit anya alukin siya ng 100 Million Dollars ay hindi siya pupunta ng Pilipinas para lang makipag-suntukan sa Pambansang Kamao.
Gayunman, handa ang 43 anyos na Mexican Legend na basagin ang kanyang mahigit dalawang taong pagpapahinga sa boxing at bukas na makabakbakan ang kapwa latinong si Jose Miguel Cotto ng Puerto Rico.
Anya, tatansahin pa niya ang kanyang physical ability at susubukang bumalik sa gym sakaling mayroong mga posibleng makakalaban.
By: Drew Nacino