Pormal nang nagretiro sa pagboboksing ang Mexican warrior na si Juan Manuel “El Dinamita” Marquez.
Ito ay isang buwan bago ang kanyang ika-44 na kaarawan.
Dahil dito isasara ni Marquez ang kanyang magnificent career na may record na 56 wins, 7 losses at 1 draw kung saan 40 sa panalo nito ay via technical knockouts.
Sa mahigit 20-taong boxing career ni Marquez ay marami na itong mabibigat na boksingerong nakalaban kabilang sina Floyd Mayweather, Timothy Bradley, Manuel Medina, Orlando Salido, Chris John, Marco Antonio Barrera, Joel Casamayor at Juan Diaz.
Ngunit ang pinakatumatak ay ang karibal nitong si dating 8-Division World Champion Manny Pacquiao na pinabagsak niya sa ika-anim na round sa huli nilang laban.
Naniniwala naman ang maraming sports analyst na darating din ang panahon na maluluklok si Marquez bilang isa sa international boxing hall of famer.
By Ralph Obina