Sinalag ng Malacañang ang pahayag ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na walang ginawa si Pangulong Benigno Aquino III.
Ito’y para iligtas ang 44 na miyembro ng PNP Special Action Force o SAF 44 nang maipit ito sa bakbakan sa Mamasapano Maguindanao, Enero ng nakalipas na taon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ginampanan ng maayos ng Pangulo ang kanyang mandato bilang commander in chief.
Maliban sa Pangulo, ginawa rin ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang lahat ng kanilang magagawa at naging hayag na ito sa mga nakalipas na pagkakataon.
Maraming imbestigasyon na rin aniya ang hinarap ng mga opisyal ng gobyerno at naging bukas naman ang mga ito sa ibinabatong mga tanong.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)