Nagkaayos na nang tuluyan si Judy Ann Santos at Piolo Pascual.
Matatandaang ilang taon din na hindi nag-usap ang dalawa dahil sa ilang isyu at intriga.
Pero ngayon, handa na ang dalawa na sumalang sa isang project mapa-movie man ito o teleserye.
Ngunit hirit ni Juday huwag muna ngayon kailangan pa daw muna niyang mag-diet para maging bagay pa rin syang maging ka-loveteam ni Papa P.
Ilang buwan pa lamang nang ipanganak ni Juday ang kanilang bunso ng kanyang hubby na si Ryan Agoncillo.
Masaya naman si Papa Piolo dahil after so many years ay naayos na rin ang gusot sa kanila ni Juday.
Aniya, tinatanaw niya ang malaking utang na loob ang naging tulong ni Juday para makilala siya sa showbiz.
By Rianne Briones