Tinambangan ng mga hindi nakilalang suspek ang isang judge at driver bodyguard nito sa Brgy Lemon, Butuan City
Kaagad namang naisugod at ginagamot ang biktimang si Judge Hector Salisi, naka destino sa Bayugan City RTC sa Agusan Del Sur at driver nitong si PO1 Edmund Narvasa
Ayon sa mga otoridad patungo sana sa kaniyang trabaho ang huwes nang harangin ng isang kulay gray na Montero Sports at pinagbabaril ang sasakyan ni Salisi
Naka maniobra pa ang driver ni Salisi at nakahingi ng tulong sa mga pulis kayat mabilis silang nadala sa ospital
By: Judith Larino