Pinuri ni Atty. Nena Santos, isa sa mga private prosecutors ng Maguindanao Massacre case ang naging performance at paraan ng paghawak sa kaso ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes.
Ayon kay Atty. Santos, sa loob ng 10 taong pagtakbo ng kaso, hindi kailanman nakitaan si Solis-Reyes ng pagpabor saan man sa magkabilang panig.
Sinabi ni Santos, maituturing ding bagong mukha ng judicial system ng bansa si Solis-Reyes dahil sa ipinakita nito katapangan sa paghawak ng Maguindanao Massacre case.
Nararapat din aniyang tularan si Solis-Reyes ng iba pang mga hukom sa bansa.
She’s very fair, I have my highest respect never siya nagpakita ng pabor sa prosecution or from sa mga akusado, sa 10 taon wala siyang kinakausap na mga abogado never siya nag-allow na maka-usap siya ng mga abogado either sa defense or sa prosecution at napakastrikto,” ani Santos. — sa panayam ng Ratsada Balita.