Nag-inhibit na si Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa City RTC Branch 204 sa paghawak ng kaso ni Senador Leila de Lima na paglabag sa secion 26-B ng Republic Act 9165 o illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
Sa apat na pahinang inhibition, ipinaliwanag ni Guerrero na minabuti niyang bitawan na lamang ang kaso ng Senadora upang hindi mabahiran ng duda ang magiging resulta ng kaso.
Tinukoy ni Guerrero ang rule 137 ng rules of court na batayan ng compulsory at voluntary inhibition ng isang hukom sa hawak niyang kaso.
Batid umano ng hukom na ang pag-aakusa ng pagiging bias nang walang anumang katibayan ay hindi sapat na batayan para mag-inhibit ang isang hukom.
Dahil dito, hindi na matutuloy ang nakatakdang pagbasa ng sakdal kay De Lima sa January 24, 2018.
Kapwa akusado ni De Lima sa kasong nakabinbin sa sala ni Guerrero ang kanyang dating driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.