Inanunsyo ng Comelec ang ilang pagbabago sa aplikasiyon para sa exemption ukol sa gun ban o pagbibitbit ng baril ngayong panahon ng eleksyon.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, sumangayon ang En Banc na amyendahan ang Resolution 10-7-28 ng Comelec na nagtatakda sa mga patakaran ng gun ban na magugunitang ipinatupad sa bansa noong Enero a-9.
Nabatid na kasama sa mga pagbabagong ito ang desentralisasyon ng pagbibigay ng exemption sa mga regional director at election officers, pagbibigay ng otomatikong exemption sa mga Justices, Judges, Prosecutors at Ombudsman.
Samantala, anumang paglabag sa resolusyon ng Comelec ay maikokonsiderang Election offense, na mayroong kaukulang mga parusa. —sa panulat ni Mara Valle