Pinag-aaralan ni Atty. Larry Gadon na sampahan ng graft and corruption charges ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council o JBC.
Si Gadon ang naghain ng impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Gadon, kuwestyonable ang pagpayag noon ng JBC na huwag nang isumite ni Sereno ang kanyang Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN) sa loob ng 17 taon nang magturo ito sa UP College of Law.
Ang pagsusumite ng SALN ay isa sa mga requirements para sa mga nag-aapply sa posisyon bilang Chief Justice.
Dahil dito, suportado rin ni Gadon ang quo warranto petition na inihain ng Solicitor General laban kay Sereno kung saan hinihiling sa Korte Suprema na pawalang bisa ang pagkakatalaga dito bilang Chief Justice.
—-