Nagpaabot ng pagbati si Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año sa judiciary branch ng bansa matapos ang naging promulgation ng Maguindanao massacre.
Aniya, maayos nitong nagampanan ang kanilang tungkulin na ibigay ang nararapat na hustisya.
Dahil dito ay inatasan na ni Año ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na makipag ugnayan sa Department of Justice (DOJ) para sa pagpapatupad ng naturang hatol.
Magugunitang hinatulang guilty at reculsion perpetua ang mga pangunahing akusado sa Maguindanao massacre case.
Bukod dito, tinawag din ito ni Año bilang isang makasaysayang araw kung saan naging patunay na umiiral ang katarungan sa bansa —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).