Irespeto ang judicial system ng Pilipinas.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang dapat gawin ng 11 United Nations special rapporteurs na humihimok na parusahan an mga opisyal ng Pilipinas na umanoy nakagawa o nabigong pigilan ang human rights abuses sa bansa.
Pinanindigan ni Roque ang posisyon ng gobyerno na gumagana at mayruong independent judiciary ang bansa na lumilitis sa human rights violators.
Mayruon aniyang batas sa Pilipinas laban sa torture at Enforced disappearances at Enforces International Humanitarian law at penal laws para protektahan at i-promote ng karapatang pantao na nakapaloob sa konstitusyon.
Binigyang diin ni Roque na sa piskalya ng Pilipinas dapat isampa ang anumang reklamo laban sa sinumang opisyal ng gobyerno at hindi sa dayuhang hukuman dahil maituturing na paglabag sa soberanya ng bansa kung dudulog ang sinuman sa international court gayung gumagana naman ang justice system ng Pilipinas.