Enjoy na enjoy ang aktres na si Judy Ann Santos sa kanyang bagong baby na si Luna.
Ayon kay Juday, kina-career niya ang pagpapa-breastfeed sa kanyang baby girl para ito ay lumaking malusog.
Inamin naman ni Juday na ngayon pa lamang ay marami nang nakapilang endorsements para kanyang bagong baby at siyempre para sa buong pamilya Agoncillo.
Pero hirit ni Juday, huwag muna ngayon, bigyan muna daw siya ng oras para magpapayat para maging bongga ang kanyang comeback.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from Judy Ann Santos Instagram account