Walang pressure na natatanggap si Judy Ann Santos mula sa kanyang asawa si Ryan Agoncillo sa usapin ng kanyang timbang.
Ayon kay Juday, hindi naman naging isyu kailanman sa kanilang magasawa ang bumibigat niyang timbang.
Sinabi ni Judy Ann na marahil ay hindi niya nararamdaman ang pressure bunsod ng nadadaan ito sa pagpapatawa ng kanyang asawa.
May pagkakataon aniya na sinabi niya kay Ryan na humanda ito dahil sa todo siyang magpapapayat ngunit ang hirit aniya ng dabarkads host ay siya na lang ang magpapataba para kay Juday.
By: Ralph Obina