Dumating nga sa punto na nagdalawang-isip si Judy Ann Santos na magbalik sa pelikula.
Ayon kay Judy Ann, nawalan siya ng tiwala sa sarili bilang aktres noong nakaraang taon matapos siyang magpahinga sa showbiz dahil sa kanyang pagbubuntis.
Kuwento ni Judy Ann, kinakausap niya ang kanyang trabaho para tanungin kung tama ba ang kanyang ginagawa.
At sa kanyang pagbabalik sa pelikula, nakaramdam aniya siya ng takot dahil mula sa mabibigat na dramang pelikula na kanyang ginawa noong nakalipas na dalawang taon ay sasabak naman siya sa komedya.
Sa ngayon ay naghahanda na si Judy Ann sa kanyang kanyang comeback film na Ang Dalawang Mrs. Reyes kung saan makakasama niya si Angelica Panganiban.
—-