Itinuturing na superwoman ni Ryan Agoncillo ang kanyang asawang si Judy Ann Santos.
Pagmamalaki ni Ryan na kahit anytime ay puwede na itong manganak ay masipag pa rin ito mag-gym.
Ayon kay Ryan,sa pamamagitan aniya ng yoga at ilan pang mga exercises ay magagawa ni Juday na palakasin ang kanyang katawan bilang paghahanda sa kanyang panganganak.
Very supportive naman si Ryan sa kanyang asawa kaya maging siya ay napapasabak na rin sa pag-eexercise.
Isang baby girl ang inaasahang magiging pangatlong anak nila Ryan at Juday na papangalan nilang Juana Luisa.
By Rianne Briones