Walang dapat ipag-alala ang mga nagmamahal sa aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo matapos itong pinag-bed rest ng kaniyang doktor sa loob ng dalawang linggo.
Tiniyak ng aktres na siya ay ayos lamang, aniya sinunod lang niya ang payo ng doktor na huwag masyadong magkikilos.
Na touch naman si Mrs. Agoncillo sa mga nagalala at nagdasal para sa kanyang ligtas na pagbubuntis.
Anim na buwan ng nagdadalang tao si Juday sa kanilang second biological baby ng asawa niyang si Ryan Agoncillo.
By Jenny Valencia