Hawak na ng isang senador ang listahan ng mga lokal na opisyal na sangkot sa operasyon ng jueteng.
Ayon kay Retired Archbishop Oscar Cruz, mahaba ang listahang ibinigay niya sa senador na nangakong bubuksang muli ang imbestigasyon laban sa jueteng.
Sa ngayon aniya ay nakabantay siya kung paano aaksyunan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang jueteng operations sa bansa lalo pa’t ginagamit nilang front ang legal na sugal na tulad ng STL o small town lottery.
Bahagi ng pahayag ni Retired Archbishop Oscar Cruz
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)