Hinimok ni Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz ang mga dating jueteng operator na maging ligal na.
Sa launching ng STL o Small Town Lottery noong Martes (Enero 31), sa isang hotel sa Mandaluyong, sinabi ng pamunuan ng PCSO na bilang na ang araw ng jueteng sa bansa.
Kaugnay nito, inabisuhan nila ang mga nagpapatakbo ng iligal na pasugalan na bumuo ng korporasyon at magparehistro sa Security Exchange Commission o SEC at PCSO.
Ayon kay Corpuz, ito ang tugon nila sa panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang iligal na pasugalan sa bansa.
Pakinggan: Pahayag ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpus
Ayon pa sa PCSO Chairman, dahil sa pinalawig na operasyon ng STL sa 56 na lugar mula sa dating 18, inaasahang makakakolekta sila ng 27 bilyong piso ngayong taon na magagamit sa mga kawanggawang serbisyo ng gobyerno.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal