Hindi naging hadlang ang edad at trabaho sa Jukebox Diva na si Claire Dela Fuente sa pagtatapos nito ng Doctor of Science for Complimentary and Alternative Medicine sa University of Makati
Sa panayam sa Jukebox diva habang ito ay naka toga pa, pangarap ito umano ng kaniyang magulang na siya ay maging isang doktor, kaya’t isa itong malaking achievement para sa kanya
Dagdag ni Claire kaya din ito ang napili niyang kurso dahil marami umanong mahal niya sa buhay ang nagkakaroon ng mahihirap na sakit tulad ng cancer na may pagasang masulusyunan sa alternatibong paraan.
Binabalak ni Claire na magtayo ng clinic at tumulong sa pamamagitan ng pagsasagawa ng medical mission sa mga probinsya.
By: Jenny Valencia