Iginiit ng aktres na si Julia Barretto na hindi siya sensitive pagdating sa mga kumakalat at naririnig niyang balita kina Joshua Garcia at Youtube vlogger na si Bella Racelis.
Sa isang programa sa tv, sinabi ng aktres na ang naging relasyon niya kay Joshua ay nakaraan na, kaya dapat na itong “i-let-go” ng may biyaya at pasasalamat.
Sinabi pa ni Julia na magkaibigan sila ni Joshua at hindi siya nagiging bitter dahil masaya siya kung saan masaya si Joshua.
Dagdag pa ng aktres, na approved din siya para kay Bella kung ito ang magiging happiness ni Joshua.
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang dalawa matapos i-story ni Joshua si Bella sa kaniyang IG account, dahilan para umani ng reaksiyon sa mga netizen.
Sa kabila ng kumakalat na mga larawan nina Joshua at Bella ay wala pang malinaw na kumpirmasyon hinggil sa kanilang real score.