Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaharap na ng Kapamilya actress na si Julia Montes ang kanyang German biological father.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram, ipinahayag ni Julia ang kanyang kasiyahan sa pagkikita nila ng kanyang ama.
Aniya, hindi niya akalain na darating pa ang panahon na makikita at makakasama pa niya ang kanyang ama.
Nagpasalamat si Julia sa diyos dahil pinagbigyan sya nito sa kanyang dasal kahit pa dumating na ang panahon noon na nawalan na siya pag-asa.
Puno rin ng pasasalamat ang young actress sa isang solid Coco Martin at Julia fans na naging daan para magkatagpo sila ng kanyang ama.
Ipinanganak si Julia sa kanyang mga magulang na parehong deaf at mute at ang kanyang lola ang siyang nagsikap at nagtaguyod sa kanya noong umalis ang kanyang ama.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from Julia Montes / Instagram