Lumantad na sa NBI si Julian Ongpin matapos isyuhan ng subpoena kaugnay sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.
Si Ongpin na anak ni Businessman Roberto Ongpin ay dumating sa NBI Death Investigation Division kasama ang tatlong abogado.
Sinabi ni NBI Spokesperson Ferdinand Lavin na nakikipagtulungan naman si Ongpin sa imbestigasyon sa nasabing kaso matapos tumugon sa subpoena ng ahensya, bagamat tumangging ibunyag ang mga sagot sa mga katanungan nang itinuturing na Person of interest sa pagkamatay ni Jonson.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Lavin na tinututukan na ng NBI ang laboratory examination ng mga ebidensya ng nakuha mula sa pinangyrihan ng krimen na isang beach resort sa La Union, habang patuloy ang pagkuha nila ng pahayag mula sa mga testigo.