Usap-usapan at binabatikos ngayon sa social media ang naging performance ni Julie Anne San Jose sa isang benefit concert nitong October 6.
Kung ano ang dahilan ng pagbatikos kay Julie Anne, tara, alamin natin!
Isang benefit concert ang ginawa ng singer na si Julie Anne San Jose na may pamagat na ‘Heavenly Harmony in Concert’ (Harana para kay Maria) sa Nuestra Señora del Pilar Shrine sa Mamburao, Mindoro.
Matapos yon, sunud-sunod na ang kritisismo na natanggap niya sa social media.
Ilan sa mga komento ng netizens ay hindi angkop ang suot ng singer na backless sparkling dress at may slit sa loob ng simbahan.
Pati ang mga kinanta ni Julie Anne na Edge of Glory, Dancing Queen, at The Climb ay hindi rin ikinatuwa ng mga netizen kahit pa aprubado ito ng organizers.
Ayon sa mga netizen, hindi tamang lugar ang simbahan para sa ganoong klaseng performance at nakakawala raw ito ng respeto sa relihiyon.
Sa Code of Canon Law ng Simbahang Katolika, nakasaad dito na mga aktibidad tungkol lamang sa pananampalataya ang pinapayagang isagawa sa loob ng simbahan.
Agad namang humingi ng tawad ang Social Communication group ng simbahan.
Naglabas din ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center kung saan inaako nito ang buong responsibilidad sa pangyayari at sinunod lamang umano ni Julie Anne ang ipinapagawa dito.
Wala umanong intensyon ang singer na insultuhin ang relihiyon, kasabay ng pangako na magiging mas maingat na sila sa susunod upang hindi na maulit ang pangyayari.
Ikaw, ano ang opinyon mo sa mainit na usaping ito?