Ipinadedeklara ni Senador Risa Hontiveros ang National West Philippine Sea Victory tuwing July 12.
Bahagi na rin ito ayon kay Hontiveros nang pagbibigay parangal sa dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sinabi ni Hontiveros na si PNoy ang ama ng matagumpay na arbitration case ng Pilipinas kontra China noong 2016.
Inihayag pa ni Hontiveros na ang isang araw na pagdiriwang ay pangontra sa mga fake news at pangmamaliit sa nasabing tagumpay ng Pilipinas bukod pa sa maipapaunawa sa taumbayan ang kahalagahan na ipaglaban ang WPS.
Binigyang diin ni hontiveros na kundi dahil sa commitment ni Aquino na unahin ang interes ng Pilipinas hindi makukuha ang nasabing tagumpay kung saan kinilala ang mga karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea at kinontra ang pag-angkin dito ng China.