Dahil sa tumataas na bilang ng mga Pilipinong sumasailalim sa rehibilitasyon dulot ng kapansanan, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Hulyo 17 ng bawat taon bilang National Physiatry Day.
Sa Proclamation No. 1017, binanggit ng Presidente na mahalagang matutukan ang kalagayan ng mga may kapansanan sa bansa na pangungunahan ng Department of Health (DOH).
Kasabay nito, inatasan din ng Pangulo ang DOH na tukuyin ang mga proyekto o programa para sa taunang paggunita sa National Physiatry Day habang hinimok din ang iba pang ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na i-promote ang mga ito.