Idineklara nang special non-working holiday ngayong araw sa Pasig City.
Ayon sa Pasig City LGU, pinagtibay ng malakanyang ang direktiba bilang pakikiisa sa 449 na kaarawan ng Pasig.
Dahil dito, walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan gayundin sa trabaho.
Pero kung papasok sa trabaho, makatatanggap sila ng karagdagang 30% sa kanilang arawang sweldo.
Iiral din ang ‘No Work No Pay’ Policy para naman sa mga manggagawang hindi papasok sa nabanggit na araw.