Idineklara nang special non-working holiday ngayong araw sa Pasig City.
Ayon sa Pasig City LGU, pinagtibay ng Malakanyang ang direktiba bilang pakikiisa sa ika-449 na kaarawan ng Pasig.
Dahil dito, walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan gayundin sa trabaho.
Pero kung papasok sa trabaho, makatatanggap sila ng karagdagang 30% sa kanilang arawang sweldo.
Iiral din ang ‘no work no pay’ policy para naman sa mga manggagawang hindi papasok sa nabanggit na araw.