Idineklarang Special non-working holiday ngayong araw sa Lucena City, Batangas.
Ito ay upang ipagdiwang ang ika-158 kaarawan ng ating bayani na si Apolinario Mabini, na tubong Bayan ng Tanauan.
Batay sa Proclamation no. 1 na inilabas ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas, magkakaroon ng karagdagang 30% ng sahod ang mga manggagawa kung papasok ito ng trabaho.
Pero kung hindi naman pumasok sa trabaho, depende na sa kompanya nito kung makakatanggap sila ng karagdagang sahod.
Si Mabini ay ipinanganak noong July 23, 1864 at namatay noong May 13, 1903 sa edad na 38.
Sa kabila ng taglay nitong kapansanan, hindi naging hadlang kay Mabini ang lahat upang sumama sa ebolusyon laban sa pananakop ng Kastila at Amerikano sa Pilipinas.