Idineklara ng Malacañang na special Non-working holiday ang Hunyo a-20 sa Dagupan City.
Para ito sa ika-75 Founding Anniversary ng lungsod.
Sa Executive Order no. 1398 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, bibigyang panahon ang mga Dagupeños na mag-celebrate sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.
Noong Hunyo a-20 1947 naging lungsod ang Dagupan sa bisa ng Republic Act 170 na inakda noon ni House Speaker Eugenio Perez na nilagdaan bilang batas ni dating Pangulong Manuel Roxas .
Kilala ang Dagupan City bilang tahanan ng pinakamasarap na bangus sa mundo.