Sumabak na muli si San Miguel bigman June Mar Fajardo sa ensayo ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa nalalapit na Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa bansa sa Hulyo.
Matapos ang dalawang linggo na panunuod lang sa sideline dahil sa natamong injury noong PBA finals, napansin ni Fajardo na mas mahirap na ang ginagawang ensayo ng Gilas ngayon kumpara sa mga mga nakaraan nilang ensayo.
Aminado si Fajardo na mahihirapan ang National team sa pagsagupa sa mga mas malalaki na katungali sa Olympic Qualifying Tournament katulad ng France, New Zealand, Canada, Senegal at Turkey.
Gayunpaman, sinabi nng tinaguriang ‘The Kraken’ na mas handa at maganda ang tinatakbo ng Gilas practice.
Samantala, kasali rin sa training ng pambansang koponan kagabi ang 2015 Finals MVP ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na si Mac Belo at teammate na si Roger Pogoy.
By Mark Makalalad