Muling magdaraos ng concert sa Pilipinas si South Korean singer-actor Jung Yong Hwa sa susunod na taon.
Ayon sa Ovation Productions, ang 33 taong gulang na vocalist ng Korean pop-rock band na CNBlue ay magpe-perform sa harap ng fans sa Mall of Asia Arena sa March 6, 2020.
Ang show ay sinasabing bahagi ng first solo tour ni Jung sa buong Asya matapos ang kanyang mandatory military service noong Nobyembre 3.
Magugunitang unang gumawa ng concert ang CNBlue sa Smart Araneta Coliseum noong 2017.