Itinutulak ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers at ni Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte ang panukalang batas na tatawaging Junior Citizens Act.
Sakaling tuluyang maisabatas pagkakalooban ng health benefits at mga discounts ang mga edad 0 hanggang 12 years old na may pamilyang kumikita ng P250,000.
Gaya na lamang ng 20% discount at VAT exemption sa gamot, bakuna, milk supplements para sa mga edad 4 hanggang 12, professional fee ng mga Doktor sa mga pribadong ospital at health care facilities.
Pati na rin ang professional fee ng mga homecare service providers, medical, dental services at laboratory sa pribadong pasilidad, at iba pa.
Bukod pa rito ang discount sa mga sinehan, pasyalan o amusement park, funeral at burial services sakaling pumanaw.